Yes, I'm gay. I probably was since the day I was born. On my 21st birthday, I sort of had my debut. I came out to my parents. A little drama from mom, and some indifference from dad. An above-average coming out. Almost perfect.

Nine years later, two weeks before my 30th birthday, I found out... I'M HIV POSITIVE.

And so my story begins... I'm BACK IN THE CLOSET.

Monday, November 23, 2009

It's a Rap!

I found this on Youtube a couple of weeks ago. The video itself is supposed to be a summary of the HIV & AIDS situation in the Philippines as of July 2008. But what really caught my attention was the song that served as background music to it.

A rap song about HIV & AIDS is interesting enough. But a Pinoy original rap song about HIV & AIDS? Very interesting.

Composed and performed by Alexis & Jerry of a group called QC Peer Educators, the song is part of the video which is a project of the Philippine Rural Reconstruction Movement - HIV & AIDS Prevention Project, and sponsored by UNICEF.

I took the liberty to transcribe the lyrics of the song as best I can, so we can all digest the message further. Check it out.



HIV & AIDS Theme Rap Song
Composed and performed by Alexis & Jerry

REFRAIN:
May sasabihin ako
Kailangang pakatandaan
Tungo sa tamang daan
At para sa pangkalahatan

May mga sakit na lumalaganap
Kaya't ingatan ang sarili
Ito ay ang HIV, AIDS
STI o STD

Repeat REFRAIN

Talagang lubos na nakakapinsala
Ang sakit ng kapabayaan
Na walang pinipili na estado
Mahirap man o maging mayaman

Kaya't iyong matatamo
Kapag sa kamundohan ay hinayaan
Na maagaw ang iyong kalooban
Na ang punto'y kamatayan

Kaya aking maipapayo
Di lamang sa mga kabataan
Ay umasta ng wasto
Upang di nyo pagsisisihan

Ang magagawang kamalian
Upang di na pamamarisan
Ang tinuturing na kamalasan
Ng mga kabataang nababahiran

Hindi dahilan ang kahirapan
Kung iwawasto ang pangangatawan
Alam ko na alam mo rin
Ang tunay nitong kahalagahan

Kaya laging pakatandaan
Upang sa isipan manumbalik
Kalinisan ang itatak
Huwag agad makipagtalik

Hinalina ang iyong sarili
Sa wastong tinanda
Sa'ming awit ng kaligtasan
Na aming tinakda

Buksan ang isipan at puso
At ang iyong kamalayan
Na tuluyan nang mawakasan
Ang ganitong kalagayan

Repeat REFRAIN 2x

VERSE SET 1
Mga sakit na nakakamatay
At lubos na nakakahawa
Sa tinagal ng iyong lagay
Kundisyon ay nakakaawa

Mapaminsala
Sa maselang parte ng bahagi ng ating katawan
Kailangan buksan ang ating isip
At dagdagan ang kaalaman

Wag kang maging padalosdalos
Para sa ikakabuti
Lagi mo lang tatandaan
Nasa huli ang pagsisisi

Siguro naman ay alam mo na
Kung pano mo 'to maiiwasan
Isa lamang itong mensahe
Para din sa ating kaligtasan

At huwag hayaan sa ating lipunan
Ay tuluyang lumala
Gawin natin ang makakaya
Para ito'y mawala

At huwag ipagsawalang bahala
Ang ganitong sitwasyon
Marami nang sakit na ganito
Kaya malaki na ang populasyon

Kasi pag umatake na ang libog
Kahit may AIDS hindi na bale
Ito ang mga pananaw
Na dapat alisin sa'ting sarili

Kaya't ang iba'y nagkakasakit
Nahihiyang magpakonsulta
Dahil sa kanyang maling pananaw
Yun ang naging resulta

Repeat REFRAIN 2x

VERSE SET 2
Iwasan na ang ganitong kalagayan
Ito'y sakit ng ating bayan
Na dapat nating puksain
Upang hindi na pamahayan

Ang ating lipunan na
Sagad sagad sa kahirapan
Kaya tuloy hindi nabago
Ang ganitong kaganapan

Sa isipan ng mga
Walang malay na kabataan
Na maagang namulat
At maaga na nabahiran

Ng ganitong mga sakit
Pagiwas ang aming komento
Aminado din kami
Na kami ay di perpekto

Kailangan lamang pakatandaan
Iwasan ang ganitong sakit
Kung ayaw mong maranasan
Ang kapalaran ng pagkapait

Bakit dapat iwasan
Ayon sa pananaliksik
Ay sa kadahilanan ng maling
Wastong pakikipagtalik

Ito'y kalbaryo sa kalusugan
At isa sa mga delubyo
Mahirap na malunasan
Pag napasukan na ng mikrobyo

Sa listahan ng mga may sakit
Ilang milyon na ang nakatala
Kaya kaibigan magingat ka
At yan ang aking babala

Repeat REFRAIN 2x

5 comments:

The Green Man said...

I am not really a fan or rap music but I kinda liked this one :-D

Thanks for posting this :-D

Anonymous said...

Nice song...ei ope i cn get ur e-mail tnx- Deviated capricorn:)

Anonymous said...

nakaka-brain freeze. old school pinoy rap pero kindda kaboses ni gloc-9 pero naman, wala sa kalingkinan ni gloc-9. -chornicles of e

PinoyPoz said...

@Greenman: You're welcome. Was lucky to stumble onto it.

@DeviatedCapricorn: I'm at pinoycumeater@yahoo.com :-D

@E: Choosy ka pa? Lol.

Yj said...

nice song indeed... sana mga ganyang rap ang pinakikinggan ng mga kabataan ng mamulat sila sa mga problemang madalas eh kanilang pinagwawalang bahala.... thanks for sharing